Natukoy na daw ng mga imbestigador sa pagkamatay ni Ashley Abad ang ilang persons of interest.

Ayon sa ulat ni JP Soriano sa "24 Oras", hirap pa rin ang mga pulis sa kanilang imbestigasyon.

"Ang sinabi lang may nag-abot, ganyan. Hindi pa natin masiguro kasi kailangan pa natin i-corroborate sa ibang witness," sabi ni Chief Inspector Juanito Alaras ng Station 4 ng Cebu City Police Office.

"Dapat ma-prove natin... 'yung pag intake niya, either tinakot, pinilit or nilinlang," dagdag pa niya.

Binawian ng buhay si Abad, 19, dahil daw sa drug overdose habang siya ay nasa isang concert party na ginanap sa pagdiriwang ng Sinulog Festival sa Cebu kamakailan.

Hindi pa rin daw nakikipagtulungan sa imbestigasyon ang kasintahan ng biktima. —NB, GMA News