Magsasanib-puwersa para sa isang proyekto ang P-Pop Kings na SB19 at ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Inanunsiyo ito ng SB19 nitong Miyerkoles sa pamamagitan ng 11-second teaser na ipinost nila sa X.

Sa maigsing video, makikita ang SB19 at si Sarah sa loob ng isang recording studio.

“Sarah G and SB19, soon,” saad ng SB19 sa post.

 

 

Nitong Agosto, dumalo ang SB19 sa Billboard K Power 100 event ng Billboard Korea. Kasama sila sa tumanggap ng pagkilala para sa Voices of Asia award kasama ang BINI.

Samantala, si Sarah G ang unang Pinay na pinagkalooban ng Billboard Global Force Award nitong Marso.

Nitong nakaraang Pebrero, nakipag-collaborate din si Sarah G kay Billy Crawford para sa kantang “My Mind.” Nitong Hulyo, inilabas ang kaniyang latest single na “Life’s a Beautiful Game." -- FRJ, GMA Integrated News