Nagbabalik ang Victoria's Secret Fashion Show sa Amerika matapos ang anim na taon. Kabilang sa mga nagtanghal sina Blackpink member Lisa at music icon na si Cher.

Si Lisa ang nagsilbing opening number, na sakay-sakay ng isang motorsiklo at itinanghal ang kaniyang single na "Rockstar," na nagtrending.

Kasama rin sa all-girls line up ng performers si Tyla.

Kita rin ang confidence nina Ashley Graham, at ang magkapatid na sina Gigi at Bella Hadid.

Inantabayanan din ang pagbabalik nina Adriana Lima, Kate Moss, Joan Smalls, Eva Herzigova at Carla Bruni.

Inihatid ng isa sa OG angels na si Tyra Banks ang iconic closing performance,  na nagbabalik sa runway matapos ang halos dalawang dekada. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News