Taong 2016 nang simulan ng Department of Education and K to 12 Program, kung saan dinagdagan ng dalawang taon ang Basic Education.
Layon nitong mabigyan ng specialized training ang mga estudyante sa pinili nilang larangan tulad ng Information Technology, Accountancy, Business and Management, Technical Vocational Livelihood, Humanities at Social Sciences, at iba pa.
Sa darating na Abril, halos 1.3 milyong estudyante and magtatapos na unang batch ng programa.
Ayon sa mga nakapanayam ng GMA News sina Thomas Nicanor, Argent Estacio, at Zarica Capua, mga Senior High School graduating students.
Hindi raw muna sila magtatrabaho pagkatapos gumraduate. Aminado kasi silang mahigpit ang kompetisyon sa pagaapply ng trabaho.
Sabi nila na kung ang College graduate hirap makahanap ng trabaho, paano na lang ang Senior High graduates na walang degree at diploma lamang ang hawak.
Pero naniniwala si Education Secretary Leonor Briones na karamihan sa mga magtatapos, pihadong makakapag hanap buhay bagaman hindi tutuloy ang iba sa kolehiyo.
Paliwanag ni Briones na malaki ang posibilidad na tanggapin ang mga nagsipagtapos sa mga kompanya kung saan sila nag-on the job training.
"(W)hen they undergo job immersion and the company expands its operation they tend to take those who already have undergone training under them. Kasi na-train na nila. They wont have to go to the process again of training absolutely new people," ayon kay Briones.
Ayon kay Jose Luis Yulo Jr., presidente ng Chamber of Commerce of the Philippine Islands, may nakahanda talagang trabaho para sa first batch ng K to 12 graduate lalo na sa mga nagtapos ng technical vocational track.
'Yung mga college grads, on the contrary, baka mas mahihirapan sila because the country needs more technology graduate people. Not really college graduates. (B)ut neither will we stop them from going to college. It's their choice. The higher the education, the better," sabi ni Yulo.
Sa datos ng DepEd, nasa 61 percent o 766,000 ang kumuha ng academic track o mga kumuha ng Accountancy, Business Management, Humanities and Social Science, Science, Technology, Engineering, Mathematics, at iba pa.
Habang nasa 39 percent ang kumuha ng Technical Vocational Livelihood track, Arts and Design track, at Sports track. — BAP, GMA News