Apektado na umano ang hanapbuhay ng mga manginisda sa Laoag Ilocos Norte ng malamig na panahon.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes,  nagrereklamo na ang mga mangingisda dahil wala silang mahuling isda sa tuwing malamig ang panahon dahil pumupunta sa malalim at malalayong bahagi ng karagatan ang mga isda.

Mula noong isang linggo pa umano nagsimulang wala na silang mahuhuli.

Ang ilan sa kanila, nakikipagsapalaran sa pangingisda sa mga ilog, pero pati doon halos wala na rin silang mahuhuli.

Sa mga palaisdaan na lamang umano umaasa ang ilan pa sa kanila. —LBG, GMA News