Photo courtesy: Walt John Sabanate
Isang mag-inang dugong o sea cow ang natagpuang patay sa baybayin ng barangay Kayupo sa bayan ng Kiamba, Sarangani province nitong Linggo ng umaga.
Nakita ng mga batang naglalaro sa dalampasigan ang Dugong, kasama ang maliit nitong anak na kapwa patay na.
Nababahala na ang mga environmentalist sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga dugong sa bahaging ito ng Pilipinas.
Hindi naman raw ito kagagawan ng mga tao. Posible umanong na dahil ito sa masamang panahon na nararanasan doon.
Ang natagpuang dugong nitong Linggo ng umaga ay posibleng umanong namatay sa panganganak.
Noong nakaraang Miyerkules at Biyernes ay dalawang patay na dugong din ang natagpuan sa iba pang bahagi ng probinsya ng Sarangani.
Mag-iimbestiga ang Department of Environment and Natural Resources at marine biologists sa mga darating na araw upang alamin ang dahilan ng sunod-sunod na pagkanatay ng mga dugong. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News