SARIAYA, Quezon - Napa-"sana all" na lang ang mga netizen sa kakaibang pahiyas o banderitas sa Agawan Festival ng Sariaya, Quezon.
Sa halip na makukulay na papel o plastic ay perang papel ang ginamit na pahiyas o banderitas sa isang barangay doon.
Siyempre pa, bago matapos ang kapistahan ay pinag-agawan ng mga bisita at residente ang mga perang nakasabit.
Ang paglalagay ng pahiyas o banderitas tuwing piyesta ay tradisyon na ng mga Pilipino upang ipakita ang masayang pagdiriwang.
Perang papel naman ang ginawang banderitas sa Sariaya bilang pasasalamat daw ng mga residente sa isang masaganang at hitik sa biyayang taon. —KG, GMA Integrated News