Patay ang isang 13-anyos na babaeng grade 8 student matapos matamaan sa ulo ng spare tire na nahulog mula sa isang truck sa Makilala, Cotabato.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend ngayong Linggo, hindi raw alam ng driver ng truck kung bakit kumalas at nahulog ang gulong.

Sugatan din ang bunsong kapatid ng biktima. Papasok sana sila sa paaralan nang maaksidente.

Sinusubukan pang makunan ng pahayag ang OFW na ina ng estudyante. Hinihintay rin ng pulisya kung ihahabla ng pamilya ang truck driver. — BM, GMA Integrated News