Nasolo ng isang mananaya ang mahigit P111 milyon na premyo sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Lunes, Setyembre 4, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isa ang nakahula sa lumabas na kombinasyon ng mga numero na 55-50-06-45-12-40, at may kabuuang premyo na P111,039,686.

Sa Facebook page naman ng PCSO, nakasaad na may 16 na mananaya rin ang nanalo ng second prize na P100,000.00.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45.

Ang lumabas na mga numero ay 32-39-26-21-37-06, at may premyong P8,910,000.

Pero mayroong apat na mananaya na nakahula ng limang numero para sa second prize na P32,000.00.

Nitong nakaraang Agosto 28, isang mananaya rin ang tumama ng mahigit P101 milyon sa Megalotto 6/45 nang mahulaan niya ang lumabas na mga numero na 09-30-28-45-31-05.

Alamin ang iba pang resulta ng lotto draw.—FRJ, GMA Integrated News