Isang mananaya ang nanalo ng mahigit P35 milyon jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw nitong Lunes, June 26, 2023. Samantala, may bola naman ng Ultra Lotto 6/58 sa Martes na higit P325 milyon na ang premyo.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isang mananaya ang nakahula sa lumabas na mga numero na 26-40-06-12-44-14, at may kabuuang premyo na P35,502,637.60.

Wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Grand Lotto 6/55, na ang lumabas na mga numero ay 28-10-01-35-30-48, at may premyong P38,433,664.00.

See Lotto Results

Samantala, may bola naman sa Martes, June 27, 2023, sa Ultra Lotto 6/58 na ang jackpot prize nitong nakaraang Linggo, June 25, 2023, ay umabot na P325,862,813.20.

Walang nakahula sa lumabas na mga numero sa naturang draw na 21-40-54-29-06-32.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Linggo, Martes, at Biyernes.

Huling tinamaan ang jackpot prize  sa Ultra Lotto 6/58 noong Marso 12, 2023 na P49 milyon ang naging premyo.--FRJ, GMA Integrated News