Dose-dosenang pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation center sa Barangay San Jose sa Antipolo City kasunod ng pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat.

Magugunitang tatlong residente, kabilang ang isang buntis, ang namatay noong September 2 sa Barangay San Jose dahil sa landslide.

Nakaburol na sila ngayon ilang metro malapit sa evacuation center ng mga residente ng Sitio Hinapao.

Sa ngayon ay naigilid na ang mga lupa na nalaglag mula sa bundok pero hindi pa rin ito pinadadaanan sa mga motorista.

Ayon naman barangay, aabot sa mahigit 60 pamilya pa mula sa nasabing sitio ang nananatili sa evacuation center. Ilan dito ay posibleng hindi na makabalik sa kanilang bahay. —Jhomer Apresto/KBK, GMA Integrated News