Tinanggap na ni Zia Dantes ang kaniyang unang Holy Communion, na dinaluhan ng kaniyang mga magulang na sina Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Sa Instagram ni Dingdong, ibinahagi niya ang ilang larawan ng pagdalo ng kanilang pamilya sa seremonya, na makikita rin sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado.

“Before we left the house today, she said, ‘Dada, Mama, I’m excited to receive Jesus Christ,’” caption ni Dingdong.

"Feel old yet" naman ang pakiramdam ng ilang netizens dahil big girl na si Zia.

Ikinasal sina Marian at Dingdong noong 2014. Isinilang si Zia noong 2015, at si Sixto noong 2019. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News