Nasawi ang isang 24-anyos na anak matapos siyang tagain sa leeg ng kaniyang sariling ama na 45-anyos sa Naga City, Cebu.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Lunes, sinabing nangyari ang krimen noong hapon ng Sabado matapos magkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-ama sa kanilang bahay sa Barangay Cogon.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel VerniƱo Noserale, hepe ng Naga City Police Station, sinabi ng suspek na napuno na ito sa pagsagot-sagot umano ng kaniyang anak kapag pinagsasabihan.
Kaya nang makuha umano ng suspek ang kaniyang bolo, tinaga niya sa leeg ang anak na idineklarang dead on arrival sa pagamutan.
Tumakas pa ang suspek pero naaresto rin siya kinagabihan din noong Sabado.
Sasampahan ang suspek ng reklamong parricide. -- FRJ, GMA Integrated News