Pebrero pa lang, pero tila summer mode na si Analyn Barro.

Sa kaniyang Instagram account, ipino-post ng Bubble Gang at Asawa Ko, Karibal Ko star ang kabi-kabila niyang biyahe sa mga beach sa iba't ibang bahagi ng bansa.

 

 

Kabilang na diyan ang Nalusuan Island sa Cebu, kung saan nag-taping ng summer special ang Bubble Gang, at ang surfing capital na La Union.

Sa kaniyang photos, ipinakita ni Analyn ang kaniyang sexy side, na iba sa kaniyang role bilang si Tina sa Asawa Ko, Karibal Ko.

For more updates kay Analyn, follow her on IG @anaabarro. —JST, GMA News