Isang alagang aso ang nakitang naitapon sa basurahan sa Bulacan, ayon sa ulat sa "State of the Nation."

Ayon sa Animal Kingdom Foundation, isang concerned citizen daw ang may nakitang gumagalaw na garbage bag at nalaman aso ang laman nito.

Dinala sa veterinarian's clinic ang aso na napag-alaman na may sakit na distemper. — BAP, GMA Integrated News