Kinagiliwan ng netizens ang cute na pagtataray ng isang babaeng tatlong-taong-gulang sa Quezon City. Ang dahilan nito, alamin.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing nangyari ang eksena habang nakasakay ang batang si Laia sa tricycle kasama ang kaniyang mga magulang.

Makikita sa video na ini-upload sa social media na nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay ni Laia habang nakaismid pa.

Ang dahilan ng kaniyang pagmamaktol, ayon sa kaniyang mommy, hindi napagbigyan ang kaniyang hiling na makapamasyal nang araw na iyon.

Gayunman, nilinaw ni mommy na isang loving daughter at caring sister si Laia sa kaniyang mas batang kapatid, na makikita naman sa ibang videos at photos ng pamilya.-- FRJ, GMA Integrated News