Lumakas pa ang bagyong "Marce," at ilang lugar sa Luzon ang nakapailalim na sa Signal No. 1. Ilang lugar din na naapektuhan ang nagdaang mga bagyo ang posibleng mahagip muli ng bagong bagyo.
Sa 11 p.m. tropical cyclone bulletin nitong Lunes, inihayag ng PAGASA na nasa ilalim ng Signal No. 1 ang mga lugar ng:
- Batanes
- the northern and eastern portions of Cagayan (Camalaniugan, Lal-Lo, Pamplona, Gonzaga, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Santa Ana, Claveria, Gattaran, Peñablanca, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Alcala, Amulung, Iguig) including Babuyan Islands
- the eastern portion of Isabela (Maconacon, San Pablo, Divilacan, Palanan, Dinapigue)
- the northern portion of Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan, Flora, Pudtol)
- the northern portion of Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan, Flora, Pudtol)
- the northern portion of Ilocos Norte (Isabela (Maconacon, San Pablo, Divilacan, Palanan, Dinapigue)
- Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan, Flora, Pudtol)
Dakong 10 p.m., sinabi ng PAGASA na namataan ang mata ng bagyo sa layong 590 km east ng Virac, Catanduanes o 715 km east ng Daet, Camarines Norte.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 100 kph at pagbugso nang hanggang 125 kph. Kumikilos ito pa-northwestward sa bilis na 35 kph.
Inaasahan na kikilos si Marce pa-west-northwestward sa Lunes hanggang Miyerkoles umaga, bago pumihit pa-westward sa Philippine Sea sa east ng extreme Northern Luzon.
Posible umanong tumama sa kalupaan si Marce sa Babuyan Islands o sa mainland northern Cagayan sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng madaling araw.
May posibilidad din umano na bumaba ang bagyo sa bahagi ng lalawigan ng Isabela.
“Due to uncertainty in the strength of the high-pressure area north of Marce, the forecast track may still change and bring the landfall point to mainland Cagayan-Isabela area,” ayon sa PAGASA.
“Marce is currently undergoing rapid intensification. This tropical cyclone is expected to continue to rapidly intensify and may reach typhoon category Tuesday (5 November) morning,” dagdag nito. -- mula sa ulat ni Mariel Celine Serquina/FRJ, GMA Integrated News