Kasabay ng paglabas ng sangkaterbang gamu-gamo sa Sarrat, Ilocos Norte, naglabasan din ang napakaraming palaka na kumakain ng gamugamo. Pero ang mga palaka, tinarget naman ng mga tao.

Sa ulat ng GTV Balitanghali nitong Lunes, sinabing naglabasan mula sa mga lungga ang mga palaka nang dumagsa ang mga gamu-gamo na nagliliparan malapit sa mga ilaw maging sa mga labas ng bahay.

Kinakain umano ng mga palaka ang mga gamu-gamo.

Pero dahil kinakain din ng tao ang naturang uri ng palaka, pinaghuhuli rin sila ng mga residente.

Lutong adobo o inihaw umano ang ginagawa sa naturang mga palaka na kapag binili sa palengke ay nagkakahalaga ng mula P300 hanggang P400 ang bawat kilo.-- FRJ, GMA Integrated News