Matagumpay na naialis ang isang nangitlog na ipis na pumasok sa tainga ng isang lalaki sa Shenzhen, China.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing bago nito, nakaramdam ng pananakit ng tainga ang lalaki.

Bigo ang pasyente na alisin ito mula sa kaniyang tainga kaya nagpatingin na siya sa ospital.

Ginamitan ng mga doktor ng anesthesia ang ipis upang hindi ito maglikot at makapinsala sa tainga ng pasyente.

Tagumpay na natanggal ang itlog nito bago ang mismong ipis sa tainga ng lalaki. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News