Biglang sinugod ang isang malaking toro ang apat na babae na naglalaro ng baraha sa China.
Sa ulat ng GTV State of the Nation nitong Miyerkules, makikita na nasa garahe ang mga biktima nang biglang dumating ang toro.
Dalawang babae ang nasuwag ng toro at nawasak nito ang lamesa bago tumakas.
Masuwerte naman na walang malubhang nasugatan sa apat na babae.
Ayon sa ulat, tumakas daw ang toro na planong katayin ng may-ari.
Hindi malinaw kung nahuli pa ang toro o tuluyan itong nakatakas.--FRJ, GMA Integrated News