Kinagigiliwan ang isang driver ng ride-hailing app dahil sa kaniyang pagkakahawig sa BTS member na si Suga.

Sa ulat ni Oscar Oida sa State of the Nation, sinabing hindi mapakali ang certified Army na si Rodolf Jamilla nang sumakay siya ng ride-hailing car dahil sa pagkakahawig ng driver na si Jetson Lim kay Suga mula hawi ng buhok, singkit na mata, earrings at porma.

Pero ayon kay Lim, hindi niya inaasahang makukumpara kay Suga.

“Nagulat na lang po ako nang may nag-message sa akin na viral na raw po ako. Thank you po! Kahit hindi ko po nakikita sa sarili ko, sobrang salamat po kasi sobrang sarap sa pakiramdam na mapuri ng ganu’n,” sabi ni Lim.

Dalawang linggo pa lamang si Lim na nagmamameho para sa ride hailing app. Bago maging driver, mahilig din si Lim kumanta at mayroon siyang banda.

Gayunman, hindi na raw available para sa mga single si Lim. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News