Hindi pinalampas ng isang bride ang pagkakataong maikasal nang dumiretso siya sa mass wedding pagkatapos manganak sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, na iniulat din sa Saksi, sinabing hindi pa discharged si Rhea Mae Bayson at suot pa ang wristband ng ospital nang dumiretso sa kasalang bayan.

Mahalaga para sa kanila ng groom na si Gian Carlo ang mass wedding dahil hirap sila sa mga gastusin sa pagpapakasal.

Ngunit kahit nahirapan, tila gusto namang magtatalon sa tuwa ni Bayson dahil umabot sila sa kasalan. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News