Nakain ng isang bridesmaid ang isang sabon na giveaway  sa isang kasal sa Cavite, matapos niya itong mapagkamalang totoong cake.

Sa ulat ng Saksi, sinabing excited na sina Kristine Gruezo na kainin ang giveaway dahil mukha itong masarap, kaya nakagatan na niya ito.

Sinabi ni Gruezo na makatotohanan ang disenyo ng sabon at wala ring amoy sa umpisa kaya hindi niya agad ito nahalata.

Agad niluwa ni Gruezo ang nakagat na sabon at natawa na lang sa nangyari sa kaniya.

 

—LBG, GMA Integrated News