Malaki ang pakinabang na maidudulot ng robot na kamukha ng bida sa pelikulang "Wall-E," na magsisilbing portable charger ng mga robot, rover at iba pang equipment sa buwan.
Sa video ng "Next Now," sinabing ang Mobile Power Rover o MPR-1 ay mayroong solar panels para sumagap ng enerhiya mula sa araw.
Maaaring ikabit sa MPR-1 ang ibang asset sa buwan para ma-charge.
Binuo ito ng Canadian firm na Stells para ma-sustain ang mga lunar mission.
"This solution provides the potential to extend the mission lifespan, increase exploration range and revive robots and rovers that have run out of power," ayon sa pahayag ng Stells.
Balak ng Stells na ipadala ang MPR-1 sa southern pole ng buwan sa taong 2025 kasabay ng lunar launch ng kumpanyang Intuitive Machines.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News