High-tech ang naging solusyon ng isang kompanya sa kakulangan ng mga tubero sa Japan. Ang kanilang imbensiyon, spider robots na astig ang porma.
Sa video ng GMA "Next Now," sinabing ang mga mala-gagambang robots ay may 360-degree camera at kino-control sa tulong ng gaming pad.
Idinisenyo ang mga ito para mag-survey ng mga tubong may tagas at iba pang problema.
Ayon sa Japanese robotics firm na TMSUK, binuo nila ang SPD1 dahil sa kakulangan ng mga tubero sa kanilang bansa.
“The robots can investigate and work individually or in groups with the 1st robot leading the way, the 2nd robot recording the surveyed location, and the 3rd robot doing work on the required location,” saad ng TMSUK, developer ng SPD1.
Dahil general-purpose robot technology ang ginamit, puwede ring dagdagan ng piyesa ang SPD1 gaya ng workable arms para magamit sa iba pang gawain.--Mel Matthew Doctor/FRJ, GMA Integrated News