Ikinagulat ng isang pamilya ang hitsura ng isang biik na isinilang sa EB Magalona, Negros Occidental.

Iniulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, batay na rin sa report GMA Regional TV One Western Visayas, na naghitsurang elepante ang biik dahil sa tila elephant trunk sa kanyang ulo.

Ayon sa may-ari, natatangi ang naturang biik sa isang dosenang isinilang ng kanilang inahing baboy.

Namatay din ang biik matapos ang 30 minuto mula nang ito'y ipanganak dahil walang butas ang ilong nito. —LBG, GMA News