Isang cruise, hindi sa dagat kundi sa himpapawid, na pinaaandar ng nuclear energy ang iminungkahi ng isang science enthusiast sa Berlin, Germany. Posible na nga kaya itong mabuo bago ang taong 2040?
Sa video ng Next Now, sinabing ang konsepto ng isang flying hotel na "Sky Cruise" ay binuo ni Hashem Al-Ghaili.
Espesyal na tampok ng Sky Cruise ang view deck na may 360° na panoramic platform.
Ayon kay Al-Ghaili, posibleng mabuo ang flying hotel sa pamamagitan ng nuclear power, at maaari din itong gamiting transportasyon patungo sa mga vacation spot, na tulad ng ginagawa ng mga cruise ship
Inihayag naman ng ilan ang kanilang pagdududa dahil magiging hamon ang aerodynamics ng sasakyan.
Gayunman, naniniwala si Al-Ghaili na posibleng mabuo ang flying hotel bago ang taong 2040 sa bilis ng takbo ng teknolohiya sa kasalukuyan.
"All we need is sufficient energy for the take-off... I believe it's a matter of time before powerful nuclear reactors become small enough to fit inside a plane that size," sabi ni Al-Ghaili.--FRJ, GMA News