Lumakas ang Tropical cyclone Man-Yi o "Pepito" na nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Huwebes ng gabi. Sa Bicol region umano posibleng tumama ang mata ng bagyo, at maaaring dumaan sa Metro Manila.
 
Ang bagyong Pepito ang ika-15 bagyo na pumasok sa bansa ngayong 2024. Nangyari ito habang nananalasa ang bagyong Ofel sa ilang lugar sa northeastern Luzon.

Sa ulat ni Amor Larrosa sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, sinabing taglay ni Pepito ang pinakamalakas na hangin na hanggang 85kph, at pagbugso na 105 kph.

Kumikilos ito sa bilis na 30kph pa-west southwest, na batay sa forecast track ng PAGASA ay posibleng tumama sa kalupaan ng Bicol region sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Kasama rin sa direksiyon na posibleng daanan ni Pepito ang CALABARZON, Metro Manila at Central Luzon.

Ayon kay Larrosa, may posibilidad pang magbago ang direksyon ni Pepito depende sa galaw at lakas ng high pressure area (HPA) sa may bahagi ng Japan kung maitutulak nito pababa o mapaangat ang bagyo.

Bagyong Ofel

Samantala, batay 8 p.m. cyclone bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ni Ofel sa karagatan ng Santa Teresita, Cagayan, na taglay ang pinakamalakas na hangin na 155 kph at pagbugso na hanggang 255 kph.

Nakataas ang Signal No. 4 sa mga lugar ng:

  •     Babuyan Islands
  •     The northern and eastern portions of mainland Cagayan (Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Gonzaga, Santa Ana, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes)

Signal no. 3 naman sa:

  •     Batanes
  •     The rest of Cagayan
  •     The northern portion of Isabela (San Pablo, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Maconacon),
  •     The northern portion of Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, Kabugao)
  •     The northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg)

Habang umiiral ang Signal no. 2 sa mga lugar ng:

  •     The western and eastern portions of Isabela (Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, San Mariano, Palanan, Ilagan City, Divilacan, Dinapigue, Delfin Albano, Tumauin)
  •     The rest of Apayao
  •     Kalinga
  •     The northeastern portion of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman)
  •     The eastern portion of Mountain Province (Paracelis)
  •     The rest of Ilocos Norte

Signal no. 1 naman sa:

  •     The rest of Isabela
  •     The northern portion of Quirino (Cabarroguis, Diffun, Saguday, Maddela, Aglipay)
  •     The northern portion of Nueva Vizcaya (Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde)
  •     The rest of Mountain Province
  •     Ifugao
  •     The rest of Abra
  •     The northern portion of Benguet (Mankayan, Bakun, Buguias)
  •     Ilocos Sur
  •     The northern portion of La Union (Sudipen, Bangar)
  •     The northern portion of Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag)

—FRJ, GMA Integrated News