Naging makulay ang seremonya sa pag-iisang-dibdib ng groom na alkalde at bride na buwaya sa Mexico.
Binihisan ng puting gown at may mga palamuti pa sa katawan ang pitong taong gulang na buwaya para sa kasal nila ni Victor Hugo Sosa, ang alkalde ng maliit na bayan ng San Pedro Huamelula sa Oaxaca, Mexico.
Ayon sa ulat ng Reuters, ang pagpapakasal ay bahagi ng ritwal upang humingi ng kasaganahan mula sa kalikasan ang mga tao.
Sinasabing sumisimbulo ng pakikiisa ng tao sa kabanalan ang pag-iisang dibdib ng dalawa, na isang sinaunang ritwal ng Chontal at Huave indigenous communities sa Oaxaca.
A small town Mexican mayor married his alligator bride in a colorful ceremony as traditional music rang out and revelers danced while imploring the indigenous leader to seal the nuptials with a kiss https://t.co/jwKquOPg93 pic.twitter.com/RKT5rH0fcs
— Reuters (@Reuters) July 1, 2022
Mayroong sayawan sa seremonya sa saliw ng tradisyunal na tugtugin. Ang ritwal ay nagtapos sa paghalik ng alkalde sa kaniyang bride na buwaya sa ibabaw ng nguso na may tali.
"We ask nature for enough rain, for enough food, that we have fish in the river," sabi ng groom na si Sosa.
Inihayag naman ni Elia Edith Aguilar, tumayong ninang at nag-organisa ng kasal na, "It gives me so much happiness and makes me proud of my roots."
Dagdag pa niya, "It's a very beautiful tradition." --Reuters/FRJ, GMA News