Isang barbershop sa Bacolod City ang may kakaibang pakulo para sa kanilang mga kostumer.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, ipinakita ang video sa naturang barbershop na kumakanta ng videoke ang isang kostumer habang ginugupitan.

Gusto raw ng may-ari ng barbshop na maging kakaiba ang kanilang negosyo
kaya naisipan nilang maglagay ng videoke.

Sa pamamagitan ng videoke, malilibang daw ang mga kostumer habang ginugupitan at hindi aantukin.

Ang bayad sa gupit--P50 lang. --FRJ, GMA News