Pumanaw na sa edad na 119 sa Japan si Kane Tanaka, ang kinikilalang pinakamatandang tao sa mundo.
Ayon sa ulat ng Reuters, ang public broadcaster NHK ang nagbalita tungkol sa nangyari kay Tanaka.
Isinilang si Tanaka noong Jan. 2, 1903. Taong 2019 nang kumpirmahin ng Guinness World Records ang taon ng kaniyang kapanganakan at pagkilala sa kaniya bilang oldest living person in the world.
Pumanaw si Tanaka dahil na rin sa kaniyang katandaan sa isang ospital sa Fukuoka city noong Abril 19, ayon sa NHK.
Kabilang umano ang Japan sa mga bansa na tumatanda ang populasyon. Noong nakaraang Setyembre, mayroon silang 86,510 centenarians, at siyam sa bawat 10 ay mga babae. —Reuter/FRJ, GMA News