Kakaibang materyales ang gamit ng isang Pinoy seafarer sa paggawa niya ng portrait habang nasa barko para pang-alis stress.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing mga ginupit-gupit na buhok ang ginagamit sa obra ni Jestoni Garcia.
Ayon kay Jestoni, nasa elementarya pala siya ay mahilig na siyang mag-drawing ng portraits.
Sa kaniyang last trip noong 2021, sinubukan niyang gamitin ang sariling buhok dahil wala siyang pen at sketch pad.
Ang mga hibla ng buhok, maingat niyang inilalagay sa canvas para maipakita ang bawat detalye ng kaniyang obra.
Nagsisilbi raw na stress reliever ni Jestoni ang kaniyang kaniyang ginawang sining habang nasa barko.
--FRJ, GMA News