Noong nakaraang Disyembre, mag-aalis sana ng nakasaksak na charger ang 16-anyos na si Rain Artillo nang makuryente siya at tumilapon. Nakaligtas naman sa kapahamakan ang binata at kinalaunan ay may nadiskubre daw siyang tila "super power" na may kinalaman sa elektrisidad.

Kuwento ni Rain, mula sa Banga, South Cotabato, tumilapon siya at ilang segundong natigilan nang makuryente siya sa kanilang bahay.

Para daw siyang nawalan ng energy nang makuryente at nakaramdam ng trauma.

Pero isang gabi, bubuksan daw sana niya ang bumbilya sa labas ng kanilang bahay nang bigla na lang itong sumindi kahit hindi pa niya naisasaksak ang kordon.

Nangyari raw ang pag-ilaw ng bumbilyo nang mahawakan niya ang plug na isinasaksak sa kuryente.

Para patunayan na hindi gawa-gawa lang ang nangyari, ipinakita ni Rain ang pag-ilaw ng 15 watt na bumbilyang LED kahit hindi ito nakasaksak.

Pero kaya rin kayang suplayan ni Rain ng kuryente ang ilang gamit tulad ng pag-charge sa cellphone?

Alamin ang obserbasyon ng isang electrical engineeer sa gagawing pagsubok sa binata, at malalaman na kung may super power nga ba talaga si Rain.

Panoorin ang video ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News