Kung sawa na sa tinapa na laging tuyo at ka-partner ng sinangag, bakit hindi ito lagyan ng sabaw at gawing sinigang naman.

Sa programang "Dapat Alam Mo!," ituturo ni Chef JR Royol kung papaano ang pagluto ng sinigang na tinapa.

Ang mga sahog na kailangan: kamatis, bawang, sibuyas, talong, okra, siling-haba, tinapa, at ang pampaasim na kipil o tamarindo o bunga ng sampalok.

Pero hindi tulad ng mga karne o manok na kasama sa mga unang isinasalang kapag nagluluto ng sinigang, sa sinigang na tinapa--huling ilalagay ang tinapa.

Alamin kung papaano nga ba ito gawin. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News