Sa sobrang dami, parang agos na tubig ang napakaraming bubuwit na bumuhos at halos nakapuno ng isang batya sa isang sakahan sa eastern Australia.
Sa ulat ng Agence France Presse, sinabing isang buwan nang nakikipaglaban ang mga magsasaka sa Dubbo, sa sobrang dami ng bubuwit na namemeste sa kanilang sakahan.
Sa video, makikita si Col Tink at kaniyang pamilya na itinataboy ang mga daga sa isang trap na tubig para lunurin ang mga peste.
Ang pagdagsa ng mga daga ang pinakabagong pahirap sa mga magsasaka na nakaranas din ng matinding tagtuyot at nasundan ng bushfires.
Nagkaroon din ng pag-ulan pero nagdulot din ng pinsala ang pagbaha sa ilang rehiyon.
"My dad's still alive; he's 93, and it's the worst three years he'd ever seen in his lifetime, and I think it's probably the worst mouse plague he's seen too," sabi ni Tink.
Nangangamba si Tink na baka malampasan ng mga bubuwit ang taglamig, at muling dumagsa ang peste pagsapit na naman ng tagsibol.
"If we don't get a real cold and fairly wet winter, I'm just a little bit worried what's going to happen in the spring," saad niya.
Hindi rin nakikita ni Steve Henry, research officer sa national science agency ng Australia (CSIRO), na matatapos na ang problema.
"When a mouse plague ends, they just disappear overnight," ani Henry, na tatlong dekada nang pinag-aaralan ang mga peste sa Australia.
"We're certainly not seeing that at the moment," pahayag niya.
Ayon sa mga scientist, karaniwang nangyayari ang pamemeste ng mga bubuwit na isang beses sa bawat dekada. Pero nagiging madalas na raw ito ngayon dahil sa climate change.
"Dissapointing. You know, anyone that stored grain in outdoor facilities like grain bags or open storages have had significant issues," ayon sa magsasakang si Terry Fishpool.
"We've seen it in the past, I remember having quite a bit of grain in a 400 ton capacity storage, which is about haft full, and they took four or five inches off the top of it. You know like they really did eat significant ammount," dagdag niya. --AFP/FRJ, GMA News