Laking gulat ng mga mananaliksik sa Japan nang aksidente nilang madiskubre ang kakaibang abilidad ng sea slug na inihiwalay ang kaniyang ulo sa katawan na may parasites.
Sa ulat ng Reuters, sinabi ni Sayaka Mitoh, PhD researcher sa Nara Women's University, na nakita na lang niya isang araw ang inaalagaan nilang sea slug na nakahiwalay ang ulo sa katawan.
Inakala raw niyang mamamatay ang sea slug pero laking gulat niya na nanatili itong buhay at nakapagpatubo ng panibagong katawan.
Japanese researchers have shown that a type of sea slug is able to self-decapitate and regrow their bodies, a discovery that could have ramifications for regenerative medicine in the future https://t.co/b8LDk1Jk9Q pic.twitter.com/3SarB6PPZ5
— Reuters (@Reuters) March 12, 2021
"I thought it was going to die but when I saw it, it was moving around and eating food. It seemed to be doing well," kuwento ni Mitoh.
"I continued observing it, and I realized it had started regenerating its heart and body. The heart and body regenerated from the tip of sea slug head," patuloy niya.
Dahil dito, posible umanong stem cells sa naturang bahagi ng ulo ng sea slug na dahilan ng panibagong pagtubo ng katawan.
"This indicated that there are probably stem cells in this area. It there will be more research on these stem cells, I believe it could be applied to regenerative medicine in the future," ayon kay Mitoh.--Reuters/FRJ, GMA News