Habang nagsasaka noong 2018, aksidenteng nakita ng isang magsasaka sa Zamboanga del Sur ang isang banga na nakabaon sa lupa. Antigo nga kaya ang nakita niyang banga na daang libong piso ang halaga?
Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabing itinago lang ng magsasaka ang banga mula nang makita niya noong 2018. Pero dahil kinakapos na sila sa panggastos dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic, nagtanong sa "KMJS" ang kakilala ng magsasaka kung may halaga nga ba ang banga.
Sa pagsasaliksik ng "KMJS," may nakapaturo tungkol sa isang antique catalog sa California na makikita ang isang banga na kahawig ng banga na nahukay ng magsasaka.
Sa catalog, inilarawan ang bangang antigo na "handmade Chinese antique hanging dragon ceramic pottery pot jar," na ang presyo ay pumapalo sa $4,775 o mahigit P200,000.
Ipinasuri ng "KMJS" sa mga eksperto ang nahukay na banga ng magsasaka kung tunay nga ba itong antigo at kung maibebenta ng malaking halaga. Alamin ang kanilang natuklasan. Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News