May nakatutuwang paliwanag ang Filipino-American comedian na si Jo Koy kung bakit hindi nangangamba ang mga Pilipino kahit magkaroon ng shortage ng toilet paper.

Sa gitna kasi ng banta ng coronavirus disease 2019 o (COVID-19), nagkaroon na ng shortage ng toilet paper sa Amerika at halos maubos na raw ang ito sa mga pamilihan.

Pero hindi raw nag-aalala rito ang mga Pinoy, sabi ni Jo Koy sa kaniyang video dahil mayroon silang tabo sa kanila-kanilang CR.

 

 

Sa video, ipinaliwanag ni Jo Koy kung papaano ginagamit ang tabo para linisin ang sarili kapag nagbabanyo.

Pabiro man niyang ibinida ang tabo, pero may magandang paliwanag si Jo Koy kung bakit mas maigi ang tabo kaysa toilet paper.

"Now not only are you being clean, you're saving the environment," saad ni Jo Koy dahil ang katumbas umano ng isang tabong tubig ay 10,000 roles ng toilet paper.

"So why wipe your a**? When you can wash your a**?" pabiro niyang tanong. -- FRJ, GMA News