Literal na bundok ng alimango ang ibinida ng mga taga-Lala, Lanao del Norte.
Ang tinawag nilang "Alimango Mountain," binubuo ng mahigit isang toneladang lutong alimango, ayon sa ulat sa Saksi ng GMA News nitong Biyernes.
Kasabay ito ng pagdirawang ng kanilang ika-18 na Alimango Festival.
Hindi magkandamayaw ang mga residente sa pagkukha ng alimango noong simulan na itong ipamigay.
Minsan na rin naitampok sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang taunang pagdiriwang na ito sa Lanao del Norte.
Noong isang taon ay halos nasa 1,000 kilos lamang ang kanilang ibinida, may taas na 5 feet, at halos nasa 10,000 piraso ng lutong alimango. —Joselito Natividad/KG, GMA News