Isang restaurant sa India ang dinadayo ng mga kostumer hindi lang dahil sa kanilang mga pagkain kung hindi maging sa waitress na nagdadala ng kanilang order— mga robot.
Sa ulat Reuters, may scarf o tela na nakalagay sa leeg ang mga rolling robot na naghahatid ng inorder na pagkain at inumin, at kumukuha rin ng mga pinagkainan ng kostumer.
"We tried out different theme restaurant designs and all that. Later on, we finally decided that we could do something different which is not there in India. That is when we decided on the robot theme restaurant where we could bring robots to actually bring the food," sabi ni Karthik Kannan, may-ari ng restaurant.
Makaka-order ng kanilang pagkain ang mga kostumer sa pamamagitan ng phone tablets sa kanilang lamesa. Kapag naluto na, dadalhin ito ng mga robot.
Naaliw naman ang mga kostumer sa kakaibang gimik ng restaurant dahil nakakapag-selfie pa sila sa mga nagsisilbi sa kanilang robot. -- Reuters/FRJ, GMA News