Ang "Pinay" ang pangatlong pinakamadalas na hanapin na termino sa pornographic website na Pornhub sa 2024, ayon sa kanilang Year in Review.

Mula sa pang-limang puwesto noong 2023, pinalitan ng salitang “Pinay” sa ikatlong puwesto ang salitang "lesbian."

“The word Pinay is a noun for a woman of Filipino origin or decent. The popularity of the term is likely in part due to the increasing number of viewers coming from the Philippines,” paliwanag ng Pornhub.

Samantala, ang “hentai” ang itinanghal na pinakamadalas na hinahanap na termino sa Pornhub sa ika-apat na magkakasunod na taon mula 2019.

Inilarawan ng Pornhub ang hentai na isang uri ng "content, which can include video game characters, anime style characters, and 3D animation.”

Pumangalawa naman ang terminong “milf,” na hindi nagbago ang puwesto.

Lumabas din sa Year in Review na ang salitang “Pinoy” ang ikatlong pinakamadalas na hinahanap para sa gay searches.

Ang “twink” ang nanguna, at sumunod ang “anime.”

Sa mga bumisita sa website na mula sa Pilipinas, lumabas na 59% ay mga babae, na tumaas ng +1% kumpara noong 2023.

Ayon pa sa Year in Review, 27% ng traffic ay nasa edad 18 hanggang 24, na majority ng mga bumisita sa site. Sinundan ito ng mga nasa edad 25 hanggang 34 na may 24%.

Mayorya umano ng bumibisita sa pornsite ay smartphones ang gamit.

“The countries with the most phone traffic include the Philippines in the lead, with a whopping 97% of all traffic coming from their phones,” dagdag pa sa Year in Review.

Sumunod naman ang Mexico, Egypt at Colombia. — mula sa ulat ni Mariel Celine Sarquina/FRJ, GMA Integrated News