Nakilala ang programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" sa Roxas, Palawan ang batang kambal na sina Chiara at Charina, na sinisikap na mahusay ng normal kahit ang ulo nila... magkadikit. Maaari pa kaya silang mapaghiwalay?
Anim na taong gulang na ang conjoined twins, na bunso sa limang magkakapatid. At sakabila ng kanilang kalagayan, nanatiling masayahin, aktibo, at nauutusan din sa gawain ng kanilang inang si Sonia Nortega.
Dahil sa magkadikit ang kanilang ulo, nakahiga ang kambal kung kumain, gayundin sa paliligo, sa pagbabasa at pagsusulat.
Ang kanilang paboritong libangan, ang videoke na dinadala ng kanilang ama para makakanta at makapagsayaw ang mga bata.
Kuwento ni aling Sonia, hindi siya nakapagpa-ultrasound nang ipinagbubntis niya ang kambal.
Hindi rin daw niya alam na kambal ang baby sa kaniyang sinapupunan.
"Wala pong ultrasound dito sa amin. Kung mayroon man ultrasound, schedule-schedule," paliwanag niya.
Pero ang sigurado raw ni aling Sonia, sa kambal na saging niya ipinaglihi ang mga anak.
"Nung makita ko na magkadikit yung saging, binili ko siya. Tapos nag-away pa kami nung may-ari dahil ayaw niya ngang ibenta. Sabi ko, kahit bilangin niya na tig-isa yung kambal na 'yan [saging], bibilhin ko," dagdag niya.
Pero posible pa nga bang mapaghiwalay ang conjoined twins na sina Chiara at Charina ng Palawan? Panoorin ang kanilang kuwento sa nakaraang episode ng "KMJS":
Click here for more News Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News