Isang buwaya na umaabot sa 18 talampakan ang haba ang nakita at nahuli ng mga residente sa Languyan, Tawi-Tawi.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa GTV Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing nakita ng mga residente ang dambuhalang buwaya sa dalampasigan ng Barangay Kiniktal.
Mabagal umanong kumilos ang buwaya dahil sa laki at bigat nito.
Nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa Ministry of Environment, Natural Resources and Energy sa Tawi-Tawi para i-turn over ang buwaya. — FRJ, GMA Integrated News