Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Bea Alonzo sa pag-ibig kahit nauuwi sa hiwalayan ang kaniyang nagdaang mga relasyon.

Sa nakaraang episode ng programa ni Boy Abunda na "My Mother, My Story," inihayag ni Bea na "I never lost hope in love."

"I've always been a hopeless romantic, and I still believe there is someone out there for me," ayon sa aktres.

Sinabi ni Bea, na gusto niyang maka-date ang lalaki na hindi taga-showbiz at maging privately sa pagkakataong ito.

“Ayaw ko na ng public na relationship ever again,” saad niya. “Pasong paso na ako.”

"I really learned my lesson the hard way," sabi pa ni Bea.

Bukod sa hindi taga-showbiz, gusto ni Bea na maka-date ang lalaki na "man enough to handle me."

"Someone who will love me unconditionally and someone who will never give up on me," patuloy niya.

Nitong nakaraang Pebrero nang makumpirma na ang paghihiwalay nina Bea at aktor na si Dominic Roque.

Plano sana nilang magpakasal ngayong taon matapos ma-engaged noong July 2023.

Napapanood ngayon si Bea sa Kapuso murder-mystery series na "Widows' War," kasama si Carla Abellena na napapanood sa ganap na 8:50 p.m. pagkatapos ng "Pulang Araw."— FRJ, GMA Integrated News