Inihayag ng aktres na si Maris Racal nahiwalay na sila ng singer na si Rico Blanco.

Sa video na naka-post videos online, naging emosyonal ang "Marupok AF" actress nang tanungin tungkol kay Rico.

“Ang dami kasing tanong and I’m tired of smiling and nodding,” saad niya. “I’m so scared ‘cause if I announce it, then it’s real. But yeah, Rico and I are over.”

Ayon kay Maris, ilang linggo na ang nakararaan nang maghiwalay sila ng nobyo.

Aniya, iyon umano ang "loneliest, emptiest weeks I’ve ever experienced in my life.”

Inilarawan ng aktres na "komplikado" ang sitwasyon kaya hindi niya maipaliwanag ang mga nangyari.

“Rico and I, our universe was so beautiful. It was so full of love, laughter, music, everything,” saad ni Maris. “Sa five years namin together, we were always on the same page. Always on the same page. But I don’t know what happened to me. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life.”

Inamin ni Maris na nagkakaroon ng pagbabago sa kaniyang buhay na sinabi rin niya kay Rico.

“He took it like a man. It was a very difficult talk ‘cause I love him so much,” sabi ng aktres. “But I have so many questions about my life and how will I go on sa buhay with him.”

Inilarawan ni Maris ang kanilang paghihiwalay na “very polite.”

Taong 2021 nang ihayag sa publiko nina Maris at Rico ang kanilang relasyon.

Kasunod nito ay nag-post ng larawan ng cake si Maris na may nakasaad na, "Age is just a number."

Edad 51 si Rico, habang 26-anyos naman si Maris.— FRJ, GMA Integrated News