Mula Enero 1 hanggang Marso 11, 2004, lumitaw na mayroong 27 mananaya ang nanalo sa anim na pangunahing lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Pinakamarami ang tumama sa Lotto 6/42 na umabot sa 13.
Batay sa listahan ng lotto results na makikita sa website ng PCSO, mayroong 13 mananaya ang nanalo sa Lotto 6/42.
Ang pinakamababang premyo na tinamaan ay P5,940,000.00, na nasolo ng isang mananaya noong Pebrero 2. Noong Pebrero 8, dalawang mananaya naman ang naghati sa katulad na premyo.
Pinakamalaki naman na tinamaan ay nasabing draw ay nagkakahalaga ng P108,072,834.00 na pinaghatian ng tatlong mananaya noong Enero 2.
Samantala, anim na mananaya ang tumama ng jackpot sa Mega Lotto 6/45. Pinakamalaking tinamaan ay mahigit P121 milyon premyo na pinaghatian ng dalawang mananaya noong Enero 8.
Sa Super Lotto 6/49, dalawa ang tumama ng jackpot. Ang pinakamalaking premyo na napanalunan ay nagkakahalaga ng mahigit P640 milyon noong Enero 16 na nasolo ng isang mananaya. Habang mahigit P64 milyon naman ang nakubra ng isa pang mananaya noong Pebrero 15.
Nag-iisa naman ang nanalo sa Grand Lotto 6/55 na may premyong mahigit P698 milyon na tinamaan noong Enero 17. Sa ngayon, mahigit P122 milyon ang premyong hindi pa tinatamaan sa nasabing draw.
Isang mananaya rin lang ang nanalo sa Ultra Lotto 6/58. Nangyari ito noong Marso 1 na umabot sa mahigit P175 milyon ang premyo.
Sa 6/D (6-Digit), apat ang nanalo na ang pinakamaliit na premyo ay mahigit P2 milyon na pinaghatian ng dalawang mananaya noong Enero 2. Pero may tig-isang mananaya na nanalo ng mahigit P8 milyon noong Pebrero 6, at Marso 7.
Nitong Martes, sinabi ni Senador Raffy Tulfo na may isang mananaya na 20 beses nanalo sa lotto sa loob ng isang buwan. Mayroon ding mananaya na nanalo naman ng 10 beses sa loob ng isang buwan.
Ang naturang impormasyon ay base umano sa listahan na isinumite sa Senado ng PCSO. Gayunman, hindi binanggit ni Tulfo kung kailan o anong buwan at taon, nangyari ang tinutukoy niyang nanalo ng 20 beses at 10 beses sa isang buwan.
Narito ang listahan ng mga nanalo sa lotto mula Enero 1 hanggang Marso 12, 2024, na makikita sa website ng PCSO.
- Lotto 6/42 04-22-07-10-29-14 1/2/2024 P108,072,834.00 3 winners
- Lotto 6/42 04-39-23-19-17-36 1/9/2024 P16,813,380.40 1 winner
- Lotto 6/42 38-20-19-04-16-40 1/30/2024 P56,638,411.00 1 winner
- Lotto 6/42 03-31-14-19-35-13 2/1/2024 P5,940,000.00 1 winner
- Lotto 6/42 27-23-31-20-14-28 2/6/2024 P7,341,411.40 1 winner
- Lotto 6/42 27-02-20-22-23-10 2/8/2024 P5,940,000.00 2 winners
- Lotto 6/42 19-31-11-23-13-17 2/13/2024 P7,083,788.60 1 winner
- Lotto 6/42 22-17-01-29-11-16 2/20/2024 P10,990,641.60 1 winner
- Lotto 6/42 05-21-03-33-30-41 2/29/2024 P15,019,736.80 1 winner
- Lotto 6/42 17-21-12-24-30-02 3/9/2024 P14,652,151.40 1 winner
- Megalotto 6/45 09-07-29-28-11-18 1/8/2024 P121,816,502.40 2 winner
- Megalotto 6/45 05-12-19-01-28-08 1/24/2024 P45,638,809.60 1 winner
- Megalotto 6/45 29-07-09-20-03-26 2/26/2024 P70,879,526.00 2 winners
- Megalotto 6/45 06-15-37-11-35-33 3/6/2024 P15,808,068.20 1 winner
- Superlotto 6/49 26-33-14-48-06-42 1/16/2024 P640,654,817.60 1 winner
- Superlotto 6/49 19-10-08-24-20-13 2/15/2024 P64,105,266.60 1 winner
- Grand Lotto 6/55 24-50-52-09-51-03 1/17/2024 P698,806,269.20 1 winner
- Ultra Lotto 6/58 04-07-57-05-54-47 3/1/2024 P175,160,965.20 1 winner
- 6D Lotto 1-1-2-7-2-5 1/2/2024 P2,168,719.00 2 winners
- 6D Lotto 6-0-9-1-5-7 2/6/2024 P8,394,151.00 1 winner
- 6D Lotto 4-9-0-7-5-3 3/7/2024 P8,962,388.00 1winner