Kamangha-mangha ang kayang gawin ng AI o artificial intelligence. Ano nga ba ang teknolohiyang ito at paano ito nagagawa? Alamin sa video ng "I-Witness."
Sa dokumentaryo ni Atom Araullo, ipinaliwanag ng ilang eksperto kung paano napapagana ang AI sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng napakaraming impormasyon na kaya kaagad nitong iproseso.
Bagaman ang artificial intelligence ay nakadisenyo para matuto mula sa mga tao, hindi maikakaila na marami ring tao ang natututo sa teknolohiyang ito.
Nakakabilid din ang kakayahan ng AI na gumawa ng pambihirang mga bagay sa maigsing sandali.
Maging si Atom, namangha nang subukan niya ang isang AI chatbot at tanungin niya ang computer kung kaya ba nitong gumawa ng script para sa isang dokumentaryo. Panoorin.
--FRJ, GMA Integrated News