Babae muli ang magiging anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto matapos ang kanilang gender reveal party.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, kinumpirma ni Pauleen sa text message ang naturang balita.

Sa Instagram, nag-post si Pauleen ng ilang larawan mula sa idinaos na gender reveal party noong Lunes na inorganisa nina Danica Sotto at Joy Sotto.

"So so grateful for a fun filled afternoon! Hindi ako nakatulog last night cos hindi ako maka move on," saad niya sa caption.

 

 

Taong 2016 nang ikasal sina Pauleen at Vic, at pagkaraan ng isang taon ay isinilang na ang first baby nila na si Tali.

Nitong nakaraang buwan, ibinahagi nina Pauleen at Vic na magkakaroon ng ng kapatid si Tali.—FRJ, GMA Integrated News