Para kay Celeste Cortesi, hindi matatawaran ang suportang ibinigay sa kaniya ng Filipino fans sa kaniyang laban sa Miss Universe 2022, na mas matimbang pa kaysa mismong korona. Inihayag din niya kung papaano niya nalampasan ang pagkabigo sa naturang patimpalak.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, tinanong ni Tito Boy si Celeste kung paano niya hinarap ang sakit na hindi palarin na makuha ang korona sa naturang paligsahan.
“I have friends and family very close to me. Especially after the coronation night, sobrang hirap para sa akin, but I had my family there, so I was okay. I went through a very difficult time, the weeks to follow,” sabi ni Celeste.
Gayunman, mas importante para sa kaniya ang ipinagkitang suporta at pagmamahal sa kaniya ng mga Pinoy.
“But I know in my heart that the respect, the love and support that I gained from the Filipino fans is more valuable than the Miss Universe crown. And I really, really know na ginawa ko ang lahat para sa bansa. So I’m happy,” saad ng Filipina-Italian model.
Malaking tulong din ang ina ni Celeste para damayan siya sa kabiguang makuha ang Miss Universe crown.
“Of course she was a little bit disappointed and sad. But she was able to comfort me. I spent the night with my mom at the hotel. Me as a daughter, all I wanted is to make her proud. But then she was really telling me ‘You make me very proud. This is not your fault. You did everything and no matter what, I’m very excited on what’s to come after.’”
Bukas sa oportunidad sa showbiz
Matapos ang kaniyang Miss Universe stint, inihayag ni Celeste na bukas siyang pumasok sa mundo ng showbiz. Katunayan, hinahasa pa ni Celeste ang kaniyang pagsasalita sa Filipino.
“I’m open. I really want to study, that’s why I’m learning how to speak Tagalog. Nag-aaral ako, so let’s see,” sabi niya.-- FRJ, GMA Integrated News