Sa isang stroke, may bahagi ng utak na nakokompromiso o naputol ang pagdaloy ng dugo na nagreresulta sa pagkaparalisa o paghina ng memorya o memory loss. Maaari pa bang maka-recover sa 100% ang kaisipan ng isang tao matapos siyang ma-stroke?
Sa programang "Pinoy MD", ipinaliwanag ni Dr. Oyie Balburias, na may tinatawag na transient ischemic attack o near stroke. Sa ganitong kaso, maaari pa ring makabalik sa 100% functionality ng utak ng isang tao.
Subalit kapag tuluyan nang na-stroke, maaari pang maibalik ang bahagi ng utak na naapektuhan sa 80% hanggang 90% kung maaagapan ng therapy.
Kung tuluyan namang naputol ang daloy ng dugo sa bahagi ng utak o kung malaki ang ugat na naapektuhan, malaki ang posibilidad na hindi na maibabalik pa sa 100% ang kapasidad ng utak.
Alamin sa video ang iba pang isyung pangkalusugan tulad ng GERD o gstroesophageal reflux disease na nagdudulot ng pangangasim ng sikmura at pagsusuka. --FRJ, GMA News